8.17.2006

Nabubulok

Unti unti na dumaraan ang mga araw ng napakabilis para ka tumatahak ng expressway na nakasakay sa isang formula one na kotseng pangkarera. Gabi gabi sumasalpak sa akin ang aking mga problema at pagkagising ko sa umaga nandoon pa rin sila. Nasisiraan na siguro ako ng bait. Buti nandyan pa ang taong nagmamahal sa akin pero siya rin napagbuntungan ko ng inis at nasasaktan ko na ng lubos habang patuloy akong umaasa sa pagbabago. Malabo talaga ang mga plano at pangako kahit isa doon kasi hindi ko matupad. Magtatatlong buwan na akong walang trabaho at baon na ako sa utang. Utang na hindi pera pero utang ng pangako. Sabi ko nga diba nabubulok na ako unti unti sa aking katamaran. Nakaharap sa kompyuter walang magawa kung hindi maghintay ng grasya at mahulog ang prutas katulad ni Juan Tamad. Sana may mangyari maganda, nagbabakasakaling lang baka ibigay na sa akin ang hinahanap ko batid ko naman na sa akin din mangagaling ang unang hakbang. Ang tanong nga lang. Ano ang gagamitin ko ang kaliwa o ang kanan?

Posted by Ian @ 13:16

Karburador



Salamin sa Gilid

www.flickr.com
This is a Flickr badge showing public photos from Berde. Make your own badge here.

Tambutso

"hindi dapat hawakan ng sino man ang maseselang bahagi ng iyong katawan maliban kong ito ay para sa kalinisan o kalusugan"