7.02.2006
Hulyo
Naku! Naiwanan ko na naman nakabukas ang telebisyon kagabi mukhang nakalimutan ko pindutin ang sleep timer at hindi namalayan na nakatulog na ako. Maganda naman ang gising dahil tungkol sa mga space rockets ang palabas sa Discovery Channel. Mukhang nagising ako sa mga pahayag tungkol sa Saturn V isang rocket na sumabog. Pinakita rin ang Apollo 11 (ang lumapag kuno sa buwan ng Earth) at ang Control Station sa Houston at masasabing kong kamukha ni Ed Harris (Apollo 13) ung ginanap niya sa pelikula.
Tama na tungkol sa telebisyon napagod lang siguro ako sa haba ng aking araw. Nung isang buwan kasi umalis na ako kumpanyang pinagtratrabuhan ko at galing ako sa isang interbyu sa Edsa Central. Dumaan na rin ako sa dating kong opisina para mapalagdaan na ang kailangan na papeles para makuha ko na ang bayad mula sa kanila.
Nalalaman ko lang na mukhang hindi rin maganda ang resulta sa limang oras na ginugol ko para sa interbyu. Nakatanggap kasi ako ng dekuryenteng liham na sinasabing hindi raw ako natanggap at gumagawa na sila ng listahan para sa iimbitahan nila para sa interbyu sa posisyon. Teka! Hindi ba galing na ako sa interbyu napakalabo naman niyan para sa akin kung tatanggapin ko kaagad na walang eksplanasyon kung bakit ako hindi natanggap. Prankahin nila ako. Anak ng!

Read or Post a Comment
<==jologs wave==>
nakows ang daming kajologsang nalalaman yang mga yan.
pinaka ayokong marinig sa lahat
ay ang mahiwagang kataga
"tatawagan ka na lang namin"
haha. pag ganun wala d na ako
umaasa buti na lang at maganda
tong napasukan kong company
hahaha lost nila un