7.18.2006
Abala
Gaano kahaba ang pasensiya mo?
Naabala ako ng mga nagkabuhol buhol na bus sa EDSA. Sa tapat ng Megamall nagkumpulang sila mga biyaheng Fairview, Malanday o Novaliches. Nagakataon at sinakyan ko ang unang bus na nakita ko. Naghahakot pa ng pasahero ang bus pero ng napuno na hindi ito makalabas. Ipit kasi ang bus sa isa pang bus na gusto naman sumiksik. Anong nangyari nagkainitan ang mga kapwa tsuper at konduktor. Pagkaraan ng humigit kumulang sampung minuto nakaalis din ang bus na sinasakyan ko.
Nangyari ulit ito sa akin ng pauwi ako. Parehong lugar, ibang bus, parehong kinahihinatnan. Nakakatawa dahil nagsibabaan na ang mga pasahero at nagsisigaw na "swapang kasi sa pasahero" at "bababa na lang kami". Katabi ko pa nga ung ale na nagsasabi noon tumayo na siya at umalis pero bumalik rin at umupo sa ibang lugar.
Walang disiplina ang mga bus na ito dahil sa kakulangan din ng tamang sistema para magsakay at magbaba ng pasahero. Isa ito sa mga batas trapiko na hindi nila maayos kahit ano pang gimik nila kung matigas ang ulo ng mga pasahero at madamot na ugali ng mga bus operator. Sa palagay ko mag MRT na lang ako.

Read or Post a Comment
<< Home