11.29.2006

Nobyembre

Nagsimula ang buwan na ito na napakasaya at ligalig. Holiday sa mga mag-aaral at bakasyon naman sa mga nagtratrabaho. Ako anim na buwan na akong bakasyon. Wala kasing trabaho mahanap o baka hindi ako naghahanap ng mabuti. Ngunit ang sabi ko nga masaya ang buwan ng nobyembre.

Nagtungo kami sa probinsiya ng tatay ko sa Isabela at unang beses ko makakasama si Jennyvi sa halos 8-10 oras na paglalakbay. Inaasahan ko na ang araw na ito at dahil nga malapit na makumpleto ang pinaayos na bahay namin doon mas mabuti ang kalooban kung umuwi. Tiyansa ko na rin na madalaw ang puntod ng mga mahal sa buhay. Matagal man ang biyahe ayos lang dahil katabi ko si Jennyvi sarap ngang matulog sa biyahe. Tahimik at hindi naman ganon katagtag ang dinaraanan namin pero mahihilo ka talaga kung hindi ka sanay sa pazigzag at paakyat na highway sa bundok ng Nueva Vizcaya.

Nagkalat pa rin ang ibang bagay sa bahay pagdating namin. Sa pangalawang araw namin doon pagkatapos bisitahin ang aking Lolo, Lola at Tita naglinis kami ni Jennyvi ng bahay. Nag-ayos ng mga libro, nagwalis, nagpunas at naghugas ng pinggan. Nakakatawa nga dahil pumunta kami doon para sa gawaing bahay. Masaya naman naming tong ginawa nagplantsa pa nga si Jennyvi.

Pagbalik namin nalapit naman ang kaarawan ng aking mga kapatid at sa kabuuan ng buwan nagdiwang din ang ilan pang mga kaibigan.

Natutuwa ako sa lahat ng inaayos at nilinis namin ni Jennyvi ang kuwarto ko. Magulo kasi ito at walang buhay pero dahil sa kanyang magaling na mata sa dekorasyon at pagalaw ng mga bagay bagay naging maaliwalas ang aking kuwarto. Nakawala sa sikip at alikabok. Hanggang ngayon pinapasalamatan ko siya sa pag-aalaga niya sa aking munting kuwarto.

Malapit ng matapos ang nobyembre at papasok na ang buwan ng Pasko kaya kailangan na talaga makahanap ng trabaho. Humingi kaya ako kay Santong Nicolas.

Posted by Ian @ 00:51 :: (0) comments

10.06.2006

Hindi Mandurugas ang Buwaya

Isang insulto sa buwaya ang maikumpara sa iba't ibang katauhang may negatibong katangian.

Posted by Ian @ 15:27 :: (0) comments

9.21.2006

Hai!

Natuloy kami manood ni Jennyvi ng Eiga Sai noong lunes. Kahit dalawa lang ang napanood namin maganda at mahusay naman ang pagkagawa ng mga pelikulang naipalabas.

Una namin pinanood ang Twilight Samurai. Kaparehas ng kapanuhanan ng nailathala na sa mas sikat na pelikulang The Last Samurai kung saan pinapakilala palamang ang baril sa mga Hapon. Bida rito ang isang pulubing samurai na si Seibei. Nagtratrabaho siya bilang isang "retainer" sa kanyang clan. Kakamatay lang na kanyang asawa dahil sa sakit at naiwan ang dalawang batang babae edad sampu at lima. Sa kadahilanang maayos ang pagpapalibing niya sa kanyang asawa naghirap ang kanilang pamilya na maliit lang ang kinikita. Si Seibei ang tumatayong parehong ama at ina o samurai at magsasaka. Nalilimutan na niyang na maligo at napahiya sa harap ng nakakataas dahil sa kanyang kakaibang amoy. Bumalik sa buhay niya ang isang kababata. Kakahiwalay lang sa isang nagbubugbog na asawang kapitan nagbalik ito sa kanyang kuya na siya naman kaibigan ni Seibei. Natuwa ang mga bata sa pagbisita ni Tomoe. Nanumbalik ang sigla sa kabahayan at unti unti namang napalapit ang damdamin ng mga bata sa itinuturing bagong nanay. Nakakalungkot ang kabuuan ng istorya ng pelikula. Napakamapagkumbaba ang mga karakter at nakakaiyak din ang kanilang sinapit.

Pagkatapos ng mga tatlumpong minuto pinanood namin ang kasunod na pelikula ang "Laughing Frog" isa itong "dark comedy" tungkol sa mag-asawang nagkahiwalay dahil sa kalokohan ni mister. Si Ippei ang malokong asawa na pinaghahanap ng pulis pagkatapos magnakaw ng sariling pera ng pinagtratrabuhan niya. Bumalik siya sa bahay ng tatay ng kanyang asawang si Ryoko. Hindi niya alam na dito siya naninirahan kaya ng dumating si Ryoko nagtago ito sa isang kabinet. Nakahanap siya ng butas na masisilipan ang nangyayari sa labas at nagpakita ito sa kanyang asawa. Pumayag si Ryoko na patigilin muna si Ippei sa kabinet na hindi siya gagawa ng ingay kapag may bisita siya. Nakakatawa ang mga nangyari dahil may kinikita na si Ryoko ng ibang lalaki at pumunta palagi ang kanyang pamilya na ayaw sa kanya. Sinasabi ng pelikula na hindi nababayaran ng anumang kabutihan ang iyong ginawang kasalanan. Gusto man makipagbalikan ni Ippei hindi pa rin siya tinanggap ni Ryoko na kalmadong kalmado sa lahat na nangyayari.

Hindi na nami pinanood ang kasunod dahil gagabihin na kami ng uwi pero halos dalawang taon na kaming hindi nakapanood ng Eiga Sai at aabangan pa rin namin ang kasunod sa susunod na taon.

Posted by Ian @ 17:08 :: (0) comments

9.11.2006

Eiga Sai

Ngayong Setyembre magpapalabas na naman ng mga pelikulang Hapon ang Japanese Foundation Manila sa Shangrila-Plaza, Cultural Center of the Philippines at UP Film Institute. 11 Pelikula ang kanilang ipapalabas mula Sept. 13-19 (Shangri-La Plaza), Sept. 26-30 (CCP Dream Theater) at Oct. 2-3 (UP Film Institute).

Sa 11 isa na ipapakita masasabi kong 2-3 ang may pinakamatimbang na papanoorin.


1) Twilight Samurai (Tasogare Seibei)
- Nominado noong 2002 sa Academy Awards bilang Best Foreign Film, isa itong karaniwang kuwento ng paghihiganti at pagtanggol sa naapi. Umiikot sa pangunahing katuhan na si Seibei Iguchi ang pelikula, sinusubukang sagapin ang isang babaeng binubugbog ng kanyang asawa.


2) Bright Future (Akuri Mirai)
- Apat na ang napanood kong pelikula mula kay Kiyoshi Kurosawa, ang Pulse (Kairo), Kyua (Cure), Doppelganger (Dopperugenga) at Shoot Yourself or Suit Yourself (Katte ni shiyagare!! Gyakuten keikaku). Masasabi kong isa siya sa pinakamagaling na direktor ngayon sa Japan at isang karagadagan naman sa kakaibang mga tema ang pelikulang ito. Dalawang nababagot na binatang magkaibigan na parehong nagtratrabaho sa pagawaan ng basang tisyu na nakikita sa mga kainan. Hindi ko maiwasan isipin kung paano gagamitin ni Kurosawa na simbolismo ang jellyfish na alaga ng isa sa mga tauhan.



3) Alley Cat/Playboy (Dora Heita)
- Galing ang screenplay ng pelikulang ito sa apat sa pinakamagagaling na direktor sa Japan na sina Akira Kurosawa, Keisuke Kinoshita Masaki Kobayashi at Kon Ichikawa. Si Ichikawa lang ang natitirang buhay at pinagpatuloy na gawin ang pelikulang ito. Nababalot ang kuwentong ito sa korupsyon at laganap ng krimen sa isang bayan. Pinadala rito si Koheita upang linisin ang bayan sa kanilang kasamaan at mailagay ang kanyang sariling kapangyarihan.

Idagdag ko rin ang Owl, All Under the Moon at Laughing Frog na may magagandang istora. Bisitahin ang www.jpmo.org.ph para sa karagdagang impormasyon.

Posted by Ian @ 14:07 :: (0) comments

9.06.2006

Aabangan


Noong 2002 lumabas ang pelikulang "Mou Gaan Dou" o mas kilala sa titulong "Infernal Affairs". Likha ito sa Hong Kong at bumibida ang sikat na mga aktor na sina Andy Lau (House of Flying Daggers) at Tony Leung Chiu Wai (Hero). Isa sa mga pinakamagandang pelikula na pinalabs noong 2002 umiikot ang istorya nito sa dalawang pangunahing katauhan. Isang pulis na sasali sa orgasinadong krimen at isang kriminal na magiging pulis. Baliktad ang kanilang trabaho pero iisa ang hangarin. Makapagdala ng impormasyon sa kapwa nilang mga superyor. Parehong silang "mole" na tinalaga upang makapagbigay ng impormasyon. Delikado pareho ang kanilang trabaho at nahahalata rin ng kanilang mga nakakataas sina SP Wong at Sam. May ilan din mga eksena tungkol sa kanilang mga personal na buhay kasama ang relasyon sa mga katrabaho at buhay pag-ibig.


Tinanggap noong 2003 pa ng direktor ang balak na magbase ng pelikula mula sa "Infernal Affairs". "The Departed" and titulo nito at bibida sina Leonardo di Caprio (The Aviator) at Matt Damon (The Bourne Identity). Sa Direksyon ni Martin Scorcese (Gangs of New York) isasapelikula nila ito sa istilong Hollywood. Pareho ang tema ng istorya dalawang magkaibang tao iisa ang pakay sa organisasyong na pinagbabalatkayuhan nila. Gagaanap naman bilang SP Wong si Martin Sheen habang si Jack Nicholson ang boss na si Sam. Dagdag pa sa cast sina Mark Wahlberg at Alec Baldwin. Nakita ko na ang trailer at mukhang magiging patok ito,

Isa ito sa mga pelikula na aabangan ko sa buwan ng Oktubre na siguradong magbubukas din dito sa Pilipinas pagkatapos ng ilang linggo.

Posted by Ian @ 06:06 :: (0) comments

8.27.2006

Tagapagtanggol ng Karagatan

Kanina lamang sumali ako sa organisasyon ng Greenpeace bilang isang Ocean Defender. Libre ito at para sa ikakabuti naman ng kalikasan lalong lalo na ang ating karagatan at dalampasigan. Isa rin itong paraan sa pagtulong na supilin ang walang takot na malalaking kumpanya na itapon ang nakakamatay na mga kemikal sa ating sariling tubig.

Alam niyo naman kung ano ang nangyari sa Guimaras. Kaya tama lang na makibaka ako sa hangarin ng mas mabuti at magandang kalikasan para sa mundong ginagalawan natin.

Sampung paraan para makatulong:

1) Maging tagapagtanggol ng karagatan at sumali at magsimulang gumawa ng aksiyon. Hikayatin din ang iyong mga kaibigan.

2) Himukin ang mga politiko na suportahan ang "no-take" na marine reserves para protektahan ang marine ecosystems at ibalik ang mga isdaan.

3) Kumain ng mas kaunting isda, at magtanong tungkol saan nanggaling ang mga lamang dagat. Kung anong klaseng isda ito, kung saan galing ito, at paano ito hinuli. Iwasan ang mga isda na galing sa nauubos na imbakan, hinuli ng ilegal, nahuli gamit ang pamamalakaya na nagkakaroon ng maraming huli. Iwasan ang mga pinalaki na artipisyal na kalikasan tulad ng prawn at salmon.

4) Tumulong sa pakipaglaban sa global warming, na nagiging sanhi ng kapinsalaan sa marine ecosystems galing sa mga tropiko ng Polar Regions. Bawasan ang paggamit ng pribadong sasakyan at gamitin ang pampublikong transportasyon (o bisikleta), lumipat sa nabababgong enerhiya, bumili ng pinalaking at gawang lokal na pagkain at iwasan ang paglipad kung maari. Tingan ang aming "12 steps page" para sa karagdagang impormasyon sa walang sakit na pagtipid ng enerhiya

5) Bawasan ang dami ng nutrients na dumadaloy sa karagatan , na nagsasanhi ng algal blooms at dead zones sa seabed, sa pagiwas ng sobrang paggamti ng fertilizers at pagbili ng mga produktong pinalaking organikal

6) panataliin ang karagatan na malaya sa basura. Bawasan ang paggamit ng plastik – huwag gumamit halimbawa ang mga plastik bag, at mag-recycle kung kaya.

7) Bawasan ang daloy ng mga lasons sa karagatan. Huwag gumamit ng mga pesticides at himukin ang mga nagmamapaktura at gumagawa ng polisya na alisin ang walang-puknat na polluntants tulad ng PCBs at chlorine.

8) Kung bibili kayo ng tropical fish, siguraduhin na ito'y pinalaki na nahuli na at hindi kinuha galing sa mga reefs. Malimit na nahuhuli ang mga tropical fish gamit ang cyanide o ibang mga nakakasirang paraan at malalaking mga dami ang namamatay bago pa ito umabot sa merkado. Magtanong sa pet shop.

9) Tumulong sa pagsagip ng mga balyena. Kung ikaw ay galing o palaging bumibisita sa isang hindi makabalyenang bansa, sana paalam niyo sa gobyerno na hindi kayo sang-ayon sa paghuli ng balyena at nainiwala na hindi masasanayunan ang kanilang posisiyon . Kung ikaw ay galing o palaging bumibisita sa isang makabalyenang bansa, bigyang puri ang gobyerno at ipilit na padamihin nila ang pagpurga para supilin ang lahat ng panghuhuli ng balyena binibigyang napipintong posibilidad ng pagsaklob ng International Whaling Commission ng pro-whaling na lobby.

10) At ang panghuli pero importante ikalat ito! Kausapin ang mga kaibigan at kamag-anak tungkol sa mga problema - at ang mga solusyon - na nagkakaroon ng epekto sa ating karagatan. Magsulat ng liham sa mga editor ng inyong lokal na diyaro at nagtatawag ng atensiyon para sa mga isyung nauukol sa dagat.

Hindi pa huli ang lahat.

Posted by Ian @ 19:09 :: (0) comments

8.21.2006

Tsaa

Natuklasan ko ulit ang pag-inom ng tsaa. Ilang araw ang nakalipas ng sinabi ko na kesa uminom ako ng kape o milo mainam na subukan ko ang tsaa. Kaya kagabi nagsaliksik ako tungkol sa kasaysayan ng tsaa.

Ayon sa nabasa ko sa www.stashtea.com, galing sa Tsina ang orihinal na tsaa. Natuklasan ito ng mahulog ang isang dahon sa kumukulong tubig. Humalo ang kulay o nilabas ng dahon ang kanyang natataglay na lasa sa tubig. Nagustuhan nila ito ng nainom at dito nabuhay ang orihin ng tsaa.

Naging sikat ang inumin ng dinala ito pabalik sa mga mataas na opisyal at bughaw ang mga dugo. Nagustuhan nila ito ang nagsilbing pangmayaman lamang ang tsaa. Kung hindi sa tulong ng ilang mga tao hindi matitigil ang pagsamantala ng mga mayayaman na maging sakim dito. Kumalat ang katanyagan nito sa Japan at dito nagsimula ang sikat na Japanese Tea Ceremony na sa kasalukuyang tinatratong nakakabighaning ritwal.

Sumunod ang kontinenteng Europa sa paginom nito nagsimula ang mga Dutch sa Hague na inomin ito. Naenganyao ang mga Pranses at ginaya ang mga taga-Holland. Dala ng mga caravan mula sa Tsina ang tsaa at ito lang ang tanging paraan para maidala ito doon. Nagsimula ang kalakal ng pagbebenta ng tsaa at lalong lumago ang popularidad nito.

Gayumpaman hindi kaagad naging sikat ito sa England. Nakuha nga lang nila ito ng binihagi ng mga taga New York ang inumin. Natikman ito ng reyna at siyang nagustuhan din. Isang sosyal naman ang nagsimula ng tsaa para sa meryenda dahil dalawang beses lang sila kumain noon. Sa kabagutan ng imbita siya nga mga kapwa sosyal at doon nagbunga ang Afternoon Tea. Nagsilbi rin ito na paraan para makipagsosyalan ang lalake at babae sa mga pampublikong hardin na may musika, tulaan at dula. Maaring dito rin nagsimula ang "tips" (to insure prompt service) na binibigay sa mga nagsisilbi.

Naging sikat ito sa Amerika at naimbento rin sa World Fair ang "iced tea". May isang may-ari ng tea na sinusubukan magbigay ng limbreng tsaa kaso sa araw na iyon naging napakainit. Kaya nilagyan niya ng mga yelo ang tsaa at ito ang sumapol sa mga taong dumalo.

Sinubukan ko rin maghanap ng kasaysayan ng tsaa sa Pilipinas. Medyo mailki lang ang pagsaliksik ko dahil walang masyadong impormasyon sa sapot. Masasabi ko dumating ang tsaa sa Pilipinas dahil siguro sa mga Tsino rin dahil hindi naman nasabi ng masugid na maiinom ang mga Kastila ng tsaa.

Sa aking paglalakbay sa mundo ng tsaa sana maging pang araw-araw na gawain ko na ang pag-inom nito.

"Hindi po kinakain ang iced tea." Impeachment 2001

Posted by Ian @ 19:48 :: (2) comments

Naungkat sa Sapot

Ito ang isa sa mga pinakauna kong hangad na makagawa ng personal na website so kung tutuusin halos pitong taon na ito sa mundo ng web.

Lumang Website

Makikita ang mga paborito kung banda noon, ang hilig sa wrestling, pelikula, at libro. Nahihiwatig din ang napakasabog na pagkagawa ng mga pahina. Kita naman na tabi tabi ang teksto at nawawalang mga litrato. Nakakenganyo kasi gumawa noon lalo na at tinituro ito sa asignaturang Computer noong hayskul. Nakakahiyang tanggapin na ginawa ko ito kasama ang aking hindi malikhaing pagsulat tungkol sa aking sarili. Marami ng pagbabago sa mundo ng web ang sumunod at unti unti ng natabunan ang pagkaalam ko sa website na ito.

Sa kasamaang palad nakalimutan ko kung ano ang username/password/email ang ginamit ko sa pagtayo nito. Pinagtatawanan ko na nga lang lalo na ni ebeb.

Posted by Ian @ 03:44 :: (0) comments

Karburador



Salamin sa Gilid

www.flickr.com
This is a Flickr badge showing public photos from Berde. Make your own badge here.

Tambutso

"hindi dapat hawakan ng sino man ang maseselang bahagi ng iyong katawan maliban kong ito ay para sa kalinisan o kalusugan"